Patay ang isang 37-anyos na TNVS driver nang pagbabarilin ng pasahero 3:00 ng madaling araw Linggo sa bahagi ng Barangay 176-A sa Caloocan, City.
Sa dashcam video, kita na nag-uusap pa ang biktima at salarin.
Sabi ng biktima, ibababa niya ang kausap mismo sa tapat ng bahay nito.
Pero nagmakaawa ang salarin na huwag ibaba sa bahay niya at buksan na lamang ang sasakyan at pababain na siya.
Ilang ulit pang nakiusap ang salarin sa driver.
Maya-maya sinabi na ng salarin na kung babarilin siya ng driver ay babarilin niya rin ito.
Dito na pinaputukan ang driver ng ilang beses habang sinasabihan itong buksan ang sasakyan. Pero bumagsak na sa upuan ang binaril na driver.
Nakuha rin nang buksan ng salarin ang sasakyan sabay alis.
Arestado naman sa isinagawang hot pursuit operation ng Caloocan Police ang 43-anyos na lalaking suspek sa San Jose Del Monto Bulacan nitong Linggo.
Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang PNP habang nagpapatuloy pa umano ang imbestigasyon.
Maging ang pamilya ng biktima, hindi na rin nagbigay ng pahayag.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

