Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Hunyo 4, na pormal nang nagsisimula ang tag-ulan sa bansa.Balitang Pilipinas
Ayon sa state weather bureau, batay ito sa kanilang obserbasyon ng paulit-ulit na pag-ulan sa nakalipas na limang araw na kaugnay ng Southwest Monsoon o Habagat, na nakaaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Sinabi ng PAGASA na ang pattern ng pag-ulan ay malinaw na indikasyon ng pagpasok ng rainy season.
“This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and the Visayas,” pahayag ng weather bureau.
Gayunpaman, nagpaalala ang ahensya na posible pa rin ang tinatawag na monsoon breaks o pansamantalang paghina ng ulan na maaaring tumagal ng ilang araw o linggo.
Nagbabala rin ang PAGASA na sa kabila ng tag-ulan, maaari pa ring maranasan ang mas pinalakas na pag-ulan dulot ng Habagat, lalo na sa Luzon at Visayas, dahil sa posibleng epekto ng El Niño.
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

