Arestado ang 62-anyos na Filipino nang makuhanan ng nagkakahalaga ng P21.2 million shabu ng mga elemento ng Ninoy Aguino International Airport Inter-Agency Drug Interdection Task Force Group (NAIA-IADITG) sa NAIA sa Pasay City noong Biyernes.
Kinilala ang naarestong sa alias Lito, 62-anyos, security guard ng Tacloban City.
Naaresto ang suspek, 4:10 ng hapon sa isinagawang secondary inspection Ara ng Custom Internatio Arrival Area NAIA Terminal 1 nang dumating ng bansa mula sa Kuala Lumpir, Malaysia.
Nadiskubre ng mga otoridad ang iligal na droga na nakalagay sa isang kulay green at itim na Forclaz backpack na dala ng suspek.
Ang shabu na may timbang na 3120 grams na nagkakahaaga ng P21.216 million na nakalagay sa apat (4) na plastic bag na nakabalot ng packing tape at carbon paper na nakatago sa loob ng back pack.
Nakumpiska rin sa suspek ang multiple Identification card, Philippine passport, boarding pass, baggage claim stub at cellular phone.
Dinala ang mga nasamsam ng droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laboratory para sa pagsusuri.
Sasampahan ang suspek ng paglabag sa Section 4, Article II of Republic Act 9165, o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- Bolts pinahiya ang Macau 115-110
- Karl Eldrew Yulo nagtapos sa pang-pitong puwesto sa floor exercise ng Gymnastics World Cup
- ‘Game of Thrones’ actor pumanaw @ 35
- Kaila Estrada ‘proud GF’ ang peg sa pag-flex kay Daniel Padilla
- Blackpink Jennie bagong global ambassador ng Ray-Ban
- 2 Pinoy church leaders, itinalaga ng Santo Papa sa Vatican comms body
- Medical fair sa mga drayber ilulunsad ng DOH sa Abril 16
- ‘Di awtorisadong taas-presyo ng bilihin, babantayan ng PNP

