Inambush ang isang sasakyan na pinaghihinalaang may sakay na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng T’boli, South Cotabato noong gabi ng Abril 9, 2026.
Batay sa inisyal na impormasyon, sinasabing pinangungunahan umano ng isang politiko ang naturang sasakyan.
Sa report, 11:00 ng gabi, sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng mga residente na nagdulot ng matinding takot sa komunidad.
Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente, kabilang ang pag-alam kung may mga nasugatan o nasawi sa ambush.
Matatandaang isang araw pa lamang ang nakalilipas nang mapatay ng mga tropa ng militar ang isang kumander ng NPA kasama ang kanyang aide sa isinagawang operasyon sa parehong lalawigan, kung saan nakarekober din ng matataas na kalibre ng mga armas.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Philippine National Police at militar upang magsagawa ng imbestigasyon at tiyakin ang seguridad sa nasabing lugar.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

