Pinalawak ng Philippine Postal Corporation ang serbisyo nito sa pamamagitan ng same-day processing ng Postal ID sa isang mall sa Manila upang mas mapadali ang pagkuha ng government ID ng publiko.
Ayon sa anunsyo, maaari nang mag-apply at makuha sa parehong araw ang Postal ID sa 5th floor ng Government Express Center sa SM City Manila.
Kailangang magsumite ng requirements mula 11 a.m. hanggang 12 noon, Lunes hanggang Biyernes, at ire-release ang ID bandang 4 p.m. sa parehong araw. Ang mga magpapasa matapos ang cut-off ay makakakuha kinabukasan.
Nananatili ang bayad na P550 para sa regular processing at P650 para sa rush applications.
Ayon sa PHLPost, ang Postal ID ay isa sa mga pangunahing government-issued IDs na malawak na tinatanggap sa bangko at iba pang opisyal na transaksyon.
Dagdag pa ng ahensya, patuloy itong nagpapalawak ng satellite post offices sa mga mall upang gawing mas accessible ang serbisyo sa publiko.

Share.