Nasawi ang isang katao sa aksidente sangkot ang dalawang trailer trucks sa C5-Ortigas Flyover southbound sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Sabado ng gabi, Hunyo 13.
Sa ulat, namatay ang helper ng isa sa mga trak.
Ayon sa report, ibinibyahe ng trak ang mga bote ng softdrinks nang bumangga ito sa isa pang trailer truck na nasiraan.
Sa salaysay ng driver ng truck, nag-overtake ang isang Elf truck sa kanyang minamaneho at hindi napansin ang isa pang trailer truck.
Wasak ang harapang bahagi ng trailer truck at naipit ang helper nito.
Nagkalat naman ang mga bote ng softdrinks sa kalsada.
Nangyari ang insidente alas-11 ng gabi ngunit nakuha lamany ang helper pasado alas-2 ng madaling araw.
Nasa kustodiya na ng Pasig City Traffic Sector ang drayber ng trak at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.
Samantala, isinara ang C5-Ortigas Flyover dahil sa nagpapatuloy na clearing operations.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

