May first date na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino—ang kanilang “mukbang date”.
Umabot na nga sa “mukbang date” ang closeness nina Ryzza at Bimby kung saan bukod sa pagkain ay napag-usapan nila ang mga ganap sa kani-kanilang buhay.
Ini-upload sa Facebook page ng TVJ ang mukbang date nina Bimby at Ryzza kung saan mababasa sa comments section na maraming Dabarkads fans ang kilig sa tambalang ‘MaeBy’.
Aliw din si Bimby dahil first time daw niyang makapag-mukbang.
Sa puntong ito, binati rin ni Bimby ang ina ni Ryzza na si Mommy Rizza.
“Hello Team Ryzza, I love you mommy,” mensahe pa ni Bimby sa ina ni Ryzza.

Share.