Mukhang walang problema kay Rico Blanco ang manatiling magkaibigan sa mga taong minsan niyang minahal.
Sa kanyang panayam sa programang “Oh My Gan!”, ibinahagi ng OPM icon na maayos pa rin ang pakikitungo niya sa halos lahat ng kanyang dating karelasyon.
Pero may isang exception daw dito — ang pinakahuli niyang naging girlfriend.
Natanong si Rico kung naniniwala ba siyang posible ang pagkakaibigan ng dalawang taong nagkaroon ng romantic relationship noon.
“Yeah. I’m friends with all my exes. And all my exes knows this. It’s just that I tend not to super close to the last one. Siyempre, mas delicate pa ‘yon, e,” paliwanag niya.
Ayon sa singer-songwriter, mas madali umanong mabuo muli ang pagkakaibigan kapag matagal nang nakalipas ang hiwalayan at pareho nang nakausad ang dalawang tao sa kanilang buhay.
“But I think over time, and if naka-move forward na, it depends on where you are in life. So, usually, maybe the last one is the one I’m not close to,” dagdag pa niya.
Bagama’t walang binanggit na pangalan si Rico, marami ang agad nag-isip kay Maris Racal, na siyang huling celebrity na nakarelasyon niya bago ang kanilang paghihiwalay noong 2024.
====

Share.