Hindi lang matitinding action scene ang naiuwi nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson mula sa “Blood vs Duty” dahil mas lalo pang tumibay ang kanilang samahan sa likod ng kamera.
Kitang-kita ng kanilang mga fan na habang tumatagal ang taping ng serye ay parang magkapatid na ang turingan ng dalawa.
Mas lalo pa itong pinatunayan ni Gerald matapos ang huling araw ng kanilang taping noong Lunes.
“It’s a wrap #BloodVsDuty. It was a privilege brother @richardgutz,” mensahe ng aktor sa social media.
Hindi rin lingid sa fans na naging madalas na ring magkasama ang dalawa kahit sa labas ng trabaho.
Dahil kay Gerald, muling nahilig si Richard sa basketball at regular na itong sumasama sa mga friendly games na inoorganisa ng aktor.
Nakisali rin si Richard sa basketball event sa SM Mall of Asia Arena kung saan may sariling team si Gerald.
Nang ipagdiwang din ni Gerald ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng basketball event, kabilang si Richard sa mga unang dumalo para makisuporta.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

