Mukhang bagay na bagay na kay “Asia’s Songbird” Regine Velasquez-Alcasid ang bagong bansag na “Sold Out Queen”.
Ilang oras lamang matapos i-release kahapon ang tickets para sa Day 3 Finale Concert niya ay agad itong naubos. Dahil dito, hirit ng kanyang fans ay maaari na rin daw idagdag sa kanya ang titulong “Sold Out Queen.”
Marami namang fans ang nadismaya dahil hindi na sila nakabili ng tickets. May ilan pa ngang humihirit na magkaroon ng Day 4 para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakakuha ng tickets.
Samantala, nagpasalamat si Regine sa kanyang social media accounts matapos ang mabilis na pagka-sold out ng Day 3.
“FINALE Day 3 is SOLD OUT! Thank you so much!”
Gaganapin ang tatlong gabing concert ni Asia’s Songbird sa SM Mall Of Asia Arena sa October 17, 18 and 19.

