Nasawi ang isang senior technician ng isang Catholic radio station ng pagbabarilin sa Barangay Limbo sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Martes, July 14.
Kinilala ang nasawi na si Dennis Pido, kilala sa kanyang masigasig na partisipasyon sa mga peace building activities na naglalayong mapalakas ang Muslim-Christian unity.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang 56-anyos na si Dennis Pido, papunta na sa Cotabato City mula sa kanilang lugar sa hindi kalayuang Pigcawayan, Cotabato para sa kanyang nighttime duty sa Catholic Station DXMS sa lungsod, ng pagbabarilin ng mga motoristang salarin na mabilis na nakatakas.
Ang Catholic Station DXMS ng Notre Dame Broadcasting Corporation na pag-aari ng Oblates of May Immaculate congregation ang pinakaunang broadcast outfit sa Cotabato City, ang kabisera nang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ay naitatag pitong dekada na ang nakalipas.
Ayon kay Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nadeklarang dead on arrival si Pido ng mga doctor sa hindi Kalayuang Cotabato Sanitarium General Hospital sa Barangay Pinaring sa Sultan Kudarat kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Nagtutulungan ang mga local executives at mga officials ng Sultan Kudarat Municipal Police Station sa paglutas ng pagpaslang kay Pido, ayon kay Salanguit.

Share.