Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila hahayaang patawan ng parusang death penalty si Pastor Apollo Quiboloy sakaling mahatulang guilty sa kaso sa Amerika.
Kasunod ito ng pagkumpirma ng DOJ na natanggap na nila ang pormal na request mula Estados Unidos para i-extradite si Quiboloy dahil sa sex trafficking, fraud at money laundering.
Ayon kay Chief State Counsel Dennis Chan, sisiguruhin muna nila na hindi papatawan ng death penalty ang religious leader bago pahintulutan kung sakali ang extradition.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng DOJ ang request bago ihain sa korte kung saan pagpapasyahan kung pahihintulutan o hindi na ipadala si Quiboloy sa Amerika.
Sinabi ni Chan na inaaral nila kung nakasusunod sa RP-US Extradition Treaty at sa Philippine Extradition Law ang hiling ng US
Kabilang sa pangunahing tinitiyak ng DOJ, kung iisang tao lamang ang tinutukoy ng Estado Union sa kahilingan at ang taong nasa Pilipinas at kung kapareho ba sa Pilipinas ang mga ikinasong criminal act o kung hindi man ay maituturing pa ring extraditable offense.
Pero isa sa pinakamahalagang kondisyon, hindi dapat death penalty ang ipataw kay Quiboloy sa Estado Unidos kapag napatunayang nagkasala sa batas.
Kumpiyansa si Chan na hindi aabutin ng taon ang proseso sakaling maisulong ang petition for extradition laban kay Quiboloy at dalawang kasamahan.
Habang sakali namang aprubahan ng korte ang hiling maaari pa rin aniya itong iapela.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang review ng DOJ sa mga dokumento ng isinulat ng DFA mula sa U.S.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

