Lumubog sa karagatan ang isang pump boat na may sakay na mga guro, volunteer, at reservist habang patungo sa Sacol Island mula sa Barangay Manicahan, Zamboanga cito nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa paunang ulat, magtutungo sana ang grupo sa Sacol Island School upang magsagawa ng feeding program para sa mga mag-aaral nang mangyari ang insidente.
Agad namang rumesponde ang mga kalapit na sasakyang-pandagat matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa paglubog ng bangka.
Dahil sa mabilis na pag-aksyon, ligtas na nailikas ang lahat ng sakay at wala namang naiulat na nasawi o nagtamo ng anumang pinsala.
Bagama’t ligtas ang mga pasahero, napinsala naman ang ilan sa kanilang mga personal na gamit, kabilang ang mga cellphone, laptop, at iba pang electronic devices na nabasa sa tubig-dagat.
Patuloy pang inaalam ng mga kinauukulan ang sanhi ng insidente.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

