Nahaharap ngayon sa kaso ang isang unipormadong pulis nang sampalin sa mukha at tutukan umano ng baril ang isang nakasibilyang lalaki na isa rin palang pulis sa isang grocery store sa Brgy. Baesa, Quezon City nitong nakalipas na Martes ng hapon, Agosto 11, 2026.
Kasalukuyan ngayon nahaharap sa kasong grave threat, physical injuries at grave coercion  ang inarestong nakaunipormeng pulis na si Patrolman  Reynald Bandong Ausria, 31, binata, at kasalukuyan naka-assign sa Malabon City Police (SDEU) at residente ng  23X Daropa Street, Brgy. Baesa, QC.
Kaugnay nito kasama rin kinasuhan ang guardiya ng supermarket na si Armida GArcia,55, may-asawa at security guard, ng supermarket at residente ng Rizal Extension Brgy. 35 Maypajo, Caloocan City.
Inireklamo ang mga suspek ng complinant/victim na si PSSg. Neil Christian Fresco, 39, may-asawa, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District station 3 Talipapa at residente ng Ramelon Street, Bgry. 156, Caloocan City.
Nabatid sa ulat ng Quezon City Police District station  3 Talipapa naganap ang insidente 4:00 ng hapon nitong Agosto 11, 2026 (Martes) sa loob ng isang grocery store sa Quirino Hiway, Brgy. Baesa, QC .
Sinabi sa ulat na pumasok ang biktima/complinant sa naturang supermarket para mamili at ng palabas na ito isinumbong ang biktima ng guwardiya ng naturang supermarket sa nakaunipormeng pulis na si Patrolman Austria na kasalukuyan naman papasok sa naturang supermarket dahil may dala itong baril.
Sinita umano ng nakaunipormeng pulis (Pat. Austria) ang biktima na isa rin palang pulis na nakasibilyan at pilit na kinukuha ng una ang kanyang string bag, dahilan para umano maglabas ng baril ang una at tutukan umano ng baril ang biktima at hinatak papasok sa loob ng supermarket.
Ayon kay PSSg. Fresco sa loob ng supermarket ikinagulat ng biktima nang bigla umano siyang sampalin ng baril sa mukha ng suspek dahilan para bumagsak siya sa semento at tinapakan ng suspek sa mukha.
“Nirerespeto ko ang uniporme niya kahit nagpakilala na ko sa kanya na isa rin akong pulis (biktima) subali’t hindi niya ako pinaniwalaan at ginawan niya pa rin ako ng pananakit” ayon kay  PSSg. Fresco.
Nabatid sa ulat matapos bumagsak sa semento ang biktima, tinapakan pa umano sa kanyang mukha ang biktima dahilan para sa dagdag na pananakit sa una at inutusan umano ni Pat Austria ang guwardiya ng supermarket na tulungan siya para posasan ito. 

Share.