Patay ang isang pulis nang paputukan ng bala ng isang tulak sa gitna ng buy-bust operation sa Bacolod City nitong Huwebes ng gabi.
Ayon kay PRO-Negros Island Region Director PBrig. Gen. Thomas Ibay, nasawi habang ginagamot sa ospital dahil sa isang tama sa kanang hita ang biktimang si Police Master Sergeant Romulo Galvez, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Bacolod City Police Office.
Nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 9 sa Barangay Sincang nang biglang bumunot ng kalibre .45 na armas ang 32-anyos na suspek at pinaputukan si Galvez.
Tinamaan sa kanang hita ang pulis at agad na isinugod sa ospital, nguni’t binawian ng buhay kaninang madaling araw dahil sa hypovolemic shock o pagkaubos ng dugo.
Naaresto naman ang suspek ng mga operatiba at narekober dito ang limang sachet ng marijuan na tinatayang nagkakahalaga ng P48,000, buy-bust money at armas na ginamit sa insidente.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

