Posibleng magkaroon ng malaking rollback sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa apat na araw ng kalakalan mula Agosto 3 hanggang 7, inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Agosto 11.
Tinatayang magiging rollback ang mga sumusunod:
–Diesel: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro
–Gasolina: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro
–Kerosene: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro
Ayon sa mga pagtataya ng industriya, bumaba rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market ng humigit-kumulang ₱5.00 kada litro para sa diesel, ₱5.10 para sa gasolina, at ₱4.95 para sa kerosene.
Kung magpapatuloy ang trend na ito, mas mababang presyo ng krudo ang maaaring maramdaman ng mga motorista sa susunod na linggo.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

