Inaresto ang isang babaeng pulis at kasamang lalaki ng mga anti-narcotics agents sa buy-bust operation sa Koronadal City, South Cotabato nitong Martes.
Ayon sa mga local executives sa Koronadal City at mga miyembro ng city peace and order council reporters na kapwa nakakulong na ang mga nadakip na suspek na kinilalang sina Alyas Jane, 35-anyos; at alyas Henry, sa isang police detention facility sa Koronadal City.
Sinabi naman ng Koronadal City Police at Police Regional Office 12 sa mga mamamahayag na ang nasabing policewoman at kasamang lalaki, agad dinakma ng mga pulis na nagpanggap na mga adik ng droga nang mabentahan sila ng mga suspek ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, sa buy-bust operation sa Purok Pagkakaisa, Brgy. San Isidro, Koronadal City nitong Martes ng hapon.
Sina Jane at Henry na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nalambat sa tulong mga mga residente na nag-tip sa kanilang aktibidad sa pagkakalat ng ilegal na droga.
====

