Bumawi ang Detroit Pistons laban sa Orlando Magic sa kanilang ikalawang pagharap, 98-83.
Bagaman dikit ang laban sa unang half, 46-46, pinilit ng Detroit na magpakita ng dominanteng performance sa ikalawang bahagi at nagawa nitong magposte ng 38-16 run sa buong third quarter.
Dahil sa 22-point advantage na nakuha sa loob lamang ng isang quarter, naging matatag na ang Pistons sa huling bahagi ng laro sa kabila ng pagtatangka ng Orlando na burahin ang deficit.
Isang all-around performance ang ipinakita ng bagitong Pistons guard na si Cade Cunningham, na nagtala ng 27 puntos at 11 assists, bukod pa sa 6 rebounds at tig-isang block at steal.
Pinangunahan naman ng batikang forward na si Tobias Harris ang solidong depensa ng Detroit sa pamamagitan ng 11 rebounds, 2 blocks, at 2 steals.
Nalimitahan lamang sa 18 puntos ang Magic forward na si Paolo Banchero sa pagkatalo ng kanyang koponan.
Parehong may tig-isang panalo ang Detroit at Orlando, habang ang ikatlong laro sa pagitan ng dalawa ay gaganapin sa Orlando.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

