Lumakas ang Philippine peso noong Biyernes matapos humina ang US dollar laban sa mga pangunahing pera sa Asya.
Nagsara ang piso sa P61.24 kada $1, mas malakas ng 32 sentimo kumpara sa P61.56 kada $1 noong Huwebes. Ito ang pinakamalakas na halaga ng piso mula Hunyo 29, 2026, nang magsara ito sa P61.17 kada $1.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, lumakas ang piso dahil humina ang US dollar, lalo na laban sa Japanese yen.
Dagdag pa niya, nakatulong din ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, matapos magkaroon ng senyales na bumuti ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz sa kabila ng tensyon sa Middle East.
“The peso exchange rate also appreciated against the US dollar after global crude oil prices declined on signs that shipping through the Strait of Hormuz has picked up despite hostilities in the Middle East,” sabi ni Ricafort.
====
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

