Posibleng manatiling walang tropical cyclone sa Pilipinas sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw dahil mababa ang posibilidad na magkaroon ng bagong bagyo, ayon sa PAGASA nitong Linggo, Setyembre 13.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, maaaring makaranas ang bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan.
“Walang masyadong kaulapan partikular na sa bahagi ng western section ng Luzon at Visayas. Mahina ang habagat ngayon at inaasahan natin na magpapatuloy ang paghina bukas hanggang Martes,” ani Badrina.
Sinabi ni Badrina na ang isang tropical depression na nasa bahagi ng Vietnam ang humihila sa southwest monsoon o habagat palayo sa Pilipinas at hindi direktang nakaaapekto sa bansa.
Samantala, easterlies at localized thunderstorms ang pangunahing weather systems na nakaaapekto sa Pilipinas.
Maaaring magdala ang easterlies ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may isolated rain showers o thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, posible rin ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon, na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
===
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

