Makakapag angkat na ang Pilipinas ng Belgian poultry kasunod ng pagtatanggal ng Department of Agriculture o DA ng pansamantalang pagba-ban nito, matapos makapagtatag ng sapat na pag-iingat ang mga bansa sa Europa kontra High Pathogenicity Avian Influenza.
Sa Department Circular No. 25 ng DA, pormal nang kinikilala nito ang regionalization protocols ng Begium para sa bird flu, habang kabilang naman sa mga maaari nang iangkat ay ang domestic at wild birds, karne ng manok, day-old na mga sisiw, itlog, at semilya mula sa bilaterally-recognized free zones.
Dahil dito, mas lalawak ang option ng departamento para mapatatag ang lokal na supply ng poultry at seguridad ng pagkain sa bansa.
Matatandaang ipinatupad ang pansamantalang pagba-ban ng importasyon ng poultry products mula sa Belguim noong nakaraang taon para maiwasan ang nakaambang pagkalat ng avian influenza.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry

