Inaasahang walang papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng susunod na tatlong araw, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni weather specialist Obet Badrina na mababa ang tsansang maging bagyo ang low-pressure area (LPA) na nasa 1,195 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon at posibleng tuluyang mawala.
Bago ito humina, maaari itong magdulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region mula Sabado hanggang Linggo (Agosto 1-2).
Posible ring magkaroon ng paminsan-minsang pag-ulan at thunderstorms sa iba pang bahagi ng bansa.
Samantala, ang malakas na tropical cyclone na “Dolphin” ay inaasahang mananatili sa labas ng PAR, ngunit ang buntot nito ay maaaring magdala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Northern Mindanao mula Lunes hanggang Martes (Agosto 3-4).
Ang pinalakas na habagat ay maaari ring magdulot ng pag-ulan sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Nagbabala ang PAGASA na ang mga pag-ulan ay maaaring magdulot ng flash flood at landslide, lalo na sa mga lugar na madaling bahain at gumuho.
Trending
- Clarence Villaflor swak sa last 16 sa PH International Challenge
- SINILAT SI OSAKA, EALA PASOK SA FINALS
- Vice, inireklamo sa MTRCB
- AJ, buntis uli, out na sa movie
- Direktor ng postponed first solo concert ni Jilian, nagsalita na
- Produksiyon ng palay tumaas sa 2nd quarter ng 2026
- 3 taong kulong, P1M multa sa online lending app predator
- LTO pinalawig bisa ng lisensya, rehistro simula Hulyo 1

