Nababahala ang maraming solid ni Paulo Avelino maging ang KimPaulandia na baka nawalan ito ng milyon-milyong pisong investment.
Kasunod ito ng napabalitang nag-file umano ng criminal complaints ang Lupon/WXC laban sa founder at CEO ng kompanya na si Nico ‘Kuya Nic’ Nazario, agad na naisip ng mga faney si Paulo.
Mababasa sa Google ang koneksiyon ni Paulo sa nasabing kompanya bilang key partner at investor.
Sabi pa sa Google, “Actor Paulo Avelino is a key partner and investor in Lupon/WXC, ang premier Philippine esports and streaming company founded by gaming icon Nico ‘KuyaNic’ Nazario in 2015. Avelino uses his media background to help the organization expand its operation, content production, and broadcast networks.”
Bagama’t wala pang official statement release ang magkabilang kampo, iba’t ibang espekulasyon na ang umiikot sa mundo ng social media.
Sinusulat ang item na ito, wala pang anumang reaksiyon, statement o paramdam ang kampo ni Paulo.
Dahil dito, nananalangin, umaasa na lang ang mga masugid na faney ni Paulo at KimPaulandia na sana ay hindi naapektuhan ang investment ng aktor.
May mga nagsasabing halos parehas na ng pinagdaanan sa usapin ng tiwala sina Kim at Paulo.
Matatandaang naghain rin ng reklamo si Kim laban sa kanyang nakakatandang kapatid kaugnay sa isyu ng umano’y estafa.
Bukas ang pahina, panulat na ito sa anumang paglilinaw, statement ng kompanya at sa panig ng inaakusahan.
Trending
- PH Blu Girls magsasanay sa Japan bago ang World Cup
- Salesman sa QC nag-uwi ng P5M sa Playoffs
- Alma Moreno todo iyak nang makita si Dolphy
- Pera ni Paulo Avelino sa esports company naglaho?
- Liza Soberano inaming nahi-hurt kapag tinatawag na ‘laos’
- Bangkay nadiskubre sa loob ng SUV
- 78 OFW applicants, nasagip sa illegal recruitment agency sa Makati
- Baldwin lumutang sa CIDG; Pagharap sa NBI ipinagpaliban

