Pumanaw na sa edad na 75 ang beteranong singer na si Peabo Bryson.
Inanunsiyo ito ng kanyang pamilya noong Hunyo 2, ilang araw matapos siyang ma-stroke.
“We are tremendously moved by the outpouring of love, prayers and support from fans, friends, and colleagues around the world,” pahayag ng pamilya.
“While our hearts are broken, we find comfort in knowing how deeply Peabo was loved and how many lives were touched by his voice and his generous spirit. His legacy and music will live on for generations to come,” dagdag pa nito.
Kilala si Bryson sa kanyang mga soul ballad at mga matagumpay na duet, kabilang ang awiting “Beauty and the Beast” kasama si Celine Dion at ang “A Whole New World” kasama si Regina Belle.
Ang “A Whole New World” ang naging kauna-unahang kanta mula sa animated film na umabot sa No. 1 ng Billboard Hot 100.
Ang ilan pa sa kanyang mga kanta ang “If Ever You’re in My Arms Again”, “Can You Stop the Rain”, at “Feel the Fire”.

Share.