Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang three-term school calendar ng Department of Education (DepEd) na bahagi ng mahalagang reporma sa edukasyon.
Magiging epektibo ang bagong sistema ngayong school year 2026-2027 na layuning masiguro ang tuloy-tuloy na pagpapalakas sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Nais ni Pangulong Marcos Jr. na mapabilis ang pag-apruba sa mga proyekto ng gobyerno na magsisilbing prayoridad para sa de-kalidad na edukasyon.
Sa ilalim ng bagong sistema, ang kasalukuyang four-term structure ay gagawing tatlong termino na lamang at inatasan ng Pangulo ang DepEd na tiyaking masuportahan ang mga estudyanteng hirap matuto, at maiayon ang mga ito sa kasalukuyan sistema sa Senior High School.
Pinaghahanda na ng Presidente ang mga opisyal ng DepEd para sa ganap na imprelentasyon nito.
Ang unang termino ay kapapalooban ng 54 na instructional days at 10 araw na assessment period.
Ang ikalawang termino ay bubuuin ng 55 araw na instructional days at 10 araw na assessment period; habang ang ikatlong termino naman ay kapapalooban ng 61 araw .
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law

