Nais ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na bigyan ng emergency powers ang Pangulo upang agad makakilos kapag may krisis sa suplay at biglang pagtaas ng presyo ng kuryente sa bansa.
Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Abante na panahon na para amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) dahil tila hindi na nito napoprotektahan ang publiko mula sa mataas na singil at “bill shock” sa kuryente.
“We must amend the law to allow the President, upon recommendation of the DOE, to declare a power crisis during times of critically low supply or insane price spikes,” ani Abante, na layong mapigilan umano ang pang-aabuso sa merkado.
Giit ng mambabatas, ang kuryente ay pangunahing serbisyo kaya hindi dapat ito nagiging pabigat sa mga kabahayan, lalo na kapag nagkakaroon ng kakulangan sa suplay at sabay na pagtaas ng presyo.
Binatikos din niya ang umano’y kakulangan ng aksyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagpapatupad ng mandato nito laban sa manipulasyon at pang-aabuso ng ilang industry players.
“The question is, is the ERC pro-people or pro-power?” aniya.
Panawagan pa ni Abante, dapat alisin o limitahan ang ilang “pass-through charges” tulad ng system loss at VAT sa mga ito, na aniya’y nagiging dagdag-pasanin sa mga konsyumer.
“Ang kuryente ay dapat serbisyo, hindi negosyo,” diin pa niya.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

