PATAY ang isang pastoral coordinator matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Israel, Barangay New Abra, Matalam, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Eduardo “Eddie” Balindres, na aktibong nagsisilbi bilang pastoral coordinator at katuwang sa mga gawaing pangrelihiyon ng Matalam Parish.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, pauwi na umano ang biktima nang tambangan at paulanan ng bala ng mga salarin.
Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, habang rumesponde naman ang mga awtoridad at nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa krimen at malaman ang posibleng motibo sa pamamaril.
====

