Nakatakdang muling gumawa ng kasaysayan ang lalawigan ng Pampanga sa pagtatangka nitong masungkit ang Guinness World Record para sa “largest display of water lanterns” sa buong mundo.
Gaganapin ang nasabing record-breaking attempt sa darating na Mayo 10 sa panahon ng Lumina Water Lantern and Music Festival na inorganisa ng Central Country Estate Inc. (CCEI).
Ayon kay Maricar Pangilinan, communications head ng CCEI, ang aktibidad na ito ay isang “modernong tribute” sa mayamang tradisyon ng mga parol sa Pampanga — isang sining na magdiriwang na ng ika-118 taon sa darating na Disyembre.
Humigit-kumulang 15,000 na paper lanterns ang sabay-sabay pakakawalan sa 12 ektaryang man-made lake sa loob ng The Lakeshore, isang 300-ektaryang komunidad sa Mexico, Pampanga.
Ang mga parol ay nakapatong sa mga light wooden floaters at paiilawan ng maliliit na LED lights.

Share.