Nanawagan si Pope Leo sa mga world leaders na wakasan ang tinawag niyang “kabaliwan ng digmaan,” sa isang masidhing apela habang nagkita ang mga opisyal ng US at Iran sa Pakistan upang talakayin ang pagtatapos ng anim na linggong labanan.
Sa isang espesyal na vigil sa panalangin sa St. Peter’s Basilica, kinondena ng unang US pope ang paggamit ng relihiyosong wika upang bigyang-katwiran ang digmaan, at sinabi na ang “ilusyon ng kapangyarihan na bumabalot sa atin ay nagiging lalong hindi mahulaan.”
Sa direktang panawagan sa mga world leaders, sinabi niya: “Tama na! Panahon na para sa kapayapaan! Umupo sa mesa ng diyalogo at mediation, hindi sa mesa kung saan pinaplano ang muling pagpapalakas ng armas.”
Si Leo, na kilala sa maingat na pagpili ng kanyang mga salita, ay lumitaw bilang isang matapang na kritiko ng digmaan sa Iran.
Noong Sabado, gumamit siya ng matapang na wika upang tuligsain ang digmaan, binanggit ang mga liham mula sa mga bata sa mga war zone na naglalarawan ng “horror at kawalang-katauhan.”
Tinukoy din ng papa ang oposisyon ng Simbahan sa US-led invasion ng Iraq noong 2003, binanggit ang apela ng yumaong Pope John Paul II apat na araw bago magsimula ang digmaan.
Noong Marso 30, sinabi ni Pope Leo na tinatanggihan ng Diyos ang mga panalangin ng mga lider na nagsisimula ng digmaan at may “mga kamay na puno ng dugo,” at muling kinondena noong Sabado ang paggamit ng Kristiyanong wika upang bigyang-katwiran ang digmaan.
“Ang balanse sa loob ng pamilyang tao ay lubhang na-destabilize,” sabi ni Leo. “Pati ang banal na Pangalan ng Diyos, ang Diyos ng buhay, ay nadadala sa mga diskurso ng kamatayan.”
Ang naunang pahayag ng Santo Papa ay na-interpret ng mga konserbatibong komentador na Katoliko bilang patama kay US Defense Secretary Pete Hegseth, na gumamit ng Kristiyanong wika upang bigyang-katwiran ang joint US-Israeli strikes sa Iran na nagpasimula ng digmaan.
Ang espesyal na panalangin noong Sabado ay inanunsyo ni Leo noong nakaraang Linggo, sa kanyang Easter message.

Share.
Exit mobile version