May pasabog na sagot si Chloe San Jose nang mausisa ng isang netizen kung bakit madalas nang nakakasama nina Carlos Yulo ang kapatid nitong si Eldrew Yulo.
Nagsimula ang tanungan sa latest Reel ni Chloe kung saan makikitang nakikisayaw siya kina Carlos at Eldrew sa kantang “Tatlong Wife” ni Bugoy na Koykoy.
May nakalagay pang text sa video na, “POV: mga invited sa kasal ng tatlong wife.”
“What a life talaga,” caption ni Chloe sa Reel.
Pero mas umagaw ng atensiyon ang naging sagot niya sa comment section nang may magtanong tungkol sa presensya ni Eldrew.
“What’s their issue? Why the bunso is suddenly on their side?” usisa ng netizen.
“Teeee kasi ginawa ng mama nila yung ginawa nya kay Caloy noon, ngayon kay eldrew naman. Soooo… 1+1 niyo na lang,” sagot ni Chloe, na sinamahan pa ng red-faced demon emoji.
Hindi naman idinetalye ni Chloe kung ano mismo ang tinutukoy niyang ginawa umano ng ina nina Carlos at Eldrew.
Gayunman, napansin ng ilang netizens ang pahayag niya dahil matagal nang lantad sa publiko ang hindi pagkakaunawaan ni Carlos at ng kanyang mga magulang.
Hindi rin ito ang unang pagkakataong nakitang magkakasama kamakailan sina Carlos at kanyang mga kapatid.
Noong Mayo ay nagbahagi ang Olympic gold medalist ng Reel mula sa house blessing ng bagong bahay nina Eldrew, Jorielgel at Elaiza.
Pagsapit naman ng June, nakasama nina Carlos at Chloe ang tatlong magkakapatid sa kanilang biyahe sa Melbourne, Australia, na lalo pang nagpakita ng patuloy na bonding ng magkakapatid na Yulo.

====

Share.
Exit mobile version