Isasailalim ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert simula sa Sabado, Setyembre 19, upang matiyak ang kapayapaan at seguridad bago ang mga nakatakdang kilos-protesta sa Setyembre 21 sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Allen Rae Co sa isang press briefing nitong Huwebes, magsisimula ang full alert pagsapit ng alas-12 ng hatinggabi sa Sabado.
Ide-deploy ang kabuuang 15,746 PNP personnel, kabilang ang mga tauhan mula sa Northern, Eastern, Southern, Manila at Quezon City Police District.
Gayundin ang mga tauhan mula sa regional headquarters, mobile force battalion, highway patrol unit, medical and dental unit, engineering unit at augmentation mula sa iba pang Police Regional Office.
Ipapatupad din umano ng pulisya ang maximum tolerance sa lahat ng oras at pagkakataon sa mga inaasahang kilos-protesta.
Trending
- Zverev nasungkit ang ikalawang grand slam title
- Lady Warriors tinuldukn ang 3-game slide laban sa Altas
- MC, Lassy wala na sa ‘It’s Showtime’
- Chloe San Jose may pasabog tungkol kay Eldrew Yulo
- Marian Rivera sikat pa rin sa Vietnam
- 8 na lang ‘missing’ sa nasunog na barko; 4 pasahero ‘di nakasakay
- Binatilyo nakuhanan ng P1.19m shabu
- NCRPO isasailalim sa full alert simula Sept. 19
