Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na magiging mahirap ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 2027.
“It looks like it will be difficult,” ayon kay Comelec Chairperson George Garcia sa isang Viber message sa mga mamamahayag, ngunit hindi na ito ipinaliwanag pa.
Una nang sinabi ni Garcia na mas nais ng Comelec na idaos ang BSKE ngayong taon upang magkaroon ng sapat na panahon sa paghahanda para sa May 2028 National and Local Elections.
Nakatakda ang BSKE sa Nobyembre 2, ngunit may mga panawagan sa Kongreso na ipagpaliban ito, kabilang ang mga mungkahing ilipat sa 2027.
Sinabi rin ng Comelec na bukas ito sa pakikilahok sa mga pagdinig ng lehislatura ukol sa usapin.
“We will give our full participation during the deliberations of the House of Representatives and Senate versions,” ani Garcia.
Naghain si Senator Imee Marcos ng Senate Bill No. 2067 na layong ipagpaliban ang BSKE mula Nobyembre 2026 patungong Oktubre 2027, dahil sa mataas na gastos sa biyahe na maaaring makaapekto sa voter turnout.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

