Wala umanong katotohanan na pinakikialaman o binubuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers na ipinapadala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ito ang nilinaw ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno kasunod ng hinala ng publiko na binubuksan ito ng ahensya.
Paliwanag ni Nepomuceno, dumadaan lamang ito sa kanilang inspeksyon habang nasa loob ng mga container van at ididiretso sa warehouse ng logistic provider.
Dagdag pa, bubuksan at susuriin lamang ang mga balibayan box kapag nakitaan ito ng kahina-hinalang bagay pero nakaharap dito ang mga tauhan ng PDEA at iba pang concerned agencies.
Dagdag pa ni Nepomuceno na sa ngayon, umabot na sa 35,476 balikbayan boxes ang naipamahagi sa buong bansa kung saan sinisiguro nila na makakarating ito nang maayos sa pamilya ng mga OFW habang pananagutin naman ang mga consolidator na nagpabaya o may kasalanan kaya ito naantala sa mga warehouse.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

