Binigyang-diin ng Korte Suprema na hindi sapat na batayan para sa dismissal ang pagliban sa trabaho ng isang empleyado.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena Singh, hinatulang guilty ng Third Division ang isang kompanya sa illegal dismissal ng kanilang production utility worker.
Nag-ugat ang kaso sa ilang beses na pag-absent ng kanilang empleyadong si Alvin Carpio dahil sa karamdaman pero hindi umano nagpaalam sa kompanyang pinapasukan nito.
Naulit pa ang pagliban sa trabaho ni Carpio at nagresulta kalaunan sa pagdedeklara sa kaniya bilang Absent Without Official Leave (AWOL) dahil sa serious misconduct at pagpapabaya sa trabaho na batayan para sa dismissal.
Inireklamo ni Carpio ang kompanya pero ibinasura ito hanggang sa Court of Appeals (CA) bago baliktarin ng Kataas-taasang Hukuman.
Ayon sa Supreme Court, kailangang patunayan na absent nang walang valid reason ang isang empleyado at sinadya nitong tapusin ang employee-employer relationship
Bagama’t hindi anila awtorisado ang pag-absent ni Carpio ay walang ebidensiya na inabandona nito ang kaniyang trabaho dahil sinubukan pa nitong bumalik at kuwestiyunin ang ipinataw na illegal dismissal.
Sa dissenting opinion naman ni Associate Justice Japar Dimaampao, iginiit nito na tama lamang ang illegal dismissal dahil sa pagkabigo ni Carpio na magpakita ng medical certificates at wala ring patunay na hindi aaprubahan ang kaniyang leave kung sumunod sa tamang proseso.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

