Arestado ang 40-anyos na tricycle driver nang mahulihan ng ilegal na droga sa Barangay Maharlika, Taguig.
Nahuli ang nasabing suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng Taguig Police Substation 7 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District Office.
Narekober sa suspek ang 4 na plastic sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 million.
Ayon kay Taguig City Police Chief, Col. Julius Añonuevo, naging matagumpay ang operasyon sa mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng iba pang law enforcement at sa lokal na pamahalaan ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.
Tiniyak naman nito na tuloy-tuloy ang kampanya ng lungsod laban sa krimen at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa lugar kung saan nakapag-aresto ito ng 1,372 violators.
Kaugnay nito, nahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- DLSU pinataob ang UE
- Freddie Roach, Manny Pacquiao muling magkasama sa Wild Card Gym
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Justin Bieber, balik performer
- Kris Lawrence nililigawan ulit si Katrina Halili
- 26 miyembro ng Kamara iniimbestigahan sa ‘anomalya’ sa infra projects
- 3.9M nagparehistrong botante para sa BSKE 2026 – Comelec
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC

