Nakasabat ng tinatayang P95 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa isang offshore operation sa karagatang malapit sa Pangasinan Island sa lalawigan ng Sulu, nitong Lunes, August 24.
Sa mga hiwalay na pahayag nitong Huwebes, kinumpirma nina Maj. Gen. Jose Vladimir R. Cagara, acting commander ng Western Mindanao Command, at Rear Adm. Constancio Arturo M. Reyes Jr., commander ng Naval Command Western Mindanao, ang pagkakasamsam sa naturang anti-smuggling operation ng isang NCWM seaborne team sa 611 malalaking kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia.
Ayon sa dalawang opisyal, nakatakdang ihatid ng isang maliit na sasakyang-dagat,ang M/B Jiboy, ang kontrabando sa mga retailer sa mga baybaying bayan sa Zamboanga Peninsula sa Region 9, gayundin sa mga coastal area ng Sultan Kudarat sa Region 12 at Lanao del Sur at Basilan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinumpiska din ng mga tauhan ng Navy na nagsagawa ng operasyon ang M/B Jiboy, kasalukuyang nakadaong na sa seaside base ng NCWM. Lahat ng miyembro ng crew nito ay pinigil at haharap sa mga kasong paglabag sa mga batas laban sa smuggling ng bansa.
Ipinagkatiwala na sa mga opisyal ng Bureau of Customs ang mga nasabat na sigarilyo para sa kaukulang disposisyon.
Magkahiwalay na nagpahayag ng pasasalamat sina Reyes at Cagara sa mga local government officials sa Sulu at mga lehitimong grupo ng mga negosyante sa BARMM na nagbigay ng impormasyon hinggil sa nakatakdang shipment ng imported na sigarilyo patungo sa Regions 9 at 12 at sa Bangsamoro region kaya agad itong nasabat at nakumpiska.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

