Nasa 26 container ng abandonadong sariwang pulang sibuyas mula China ang ininspeksyunin ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port nitong Martes na nagkakahalaga ng P86.7 milyon.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Bureau of Customs o BOC na pigilan ang irregular na pag-aangkat ng agricultural products at protektahan ang mga lokal na magsasaka, konsyumer, at lehitimong negosyante.
Idineklara ang mga kargamento bilang sariwang pulang sibuyas at sumasakop sa 72,215 na sako na may kabuuang timbang na 650,000 kilo. Batay sa valuation, ang mga kargamento ay may tinatayang market value na P86,684,000.
May kabuuang katumbas na duties at taxes ang mga ito na nagkakahalaga ng P9,648,339.33, kung saan P9,073,796.73 ang hindi pa nababayaran.
Nagsimula ang aksyon mula sa verification na isinagawa ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port o CIIS-MICP, katuwang ang MICP sa ilalim ni District Collector Atty. Geoffrey K. De Vera IV, sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture kaugnay ng mga kargamento.
Kinumpirma ng BPI-DA na may inisyung permit para sa mga kargamento pero dahil sa kabiguan ng consignee na iproseso at kunin ang mga ito, maaaring nasira na ang integridad at kalidad ng mga produkto at hindi na ligtas para sa konsumo ng tao.
Dahil dito, inirekomenda ng BPI-DA na huwag nang ipalabas ang mga kargamento sa lokal na pamilihan.
Bukod dito, kung ilalabas ang mga kargamento ay tatapat ito sa peak harvest season ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas na malaki ang epekto sa kanilang kabuhayan.
Sa karagdagang verification, natuklasang may hindi nakuhang entries at hindi nabayarang duties and taxes ang mga kargamento, kaya nag-issue ng abandonment decree dahil sa hindi pagsunod sa paragraphs c at d, Section 1129 ng Customs Modernization and Tariff Act o CMTA.
Trending
- Lolang magre-relax sa mall, kulong sa bomb joke
- SUV driver sa SLEX hit-and-run sumuko na – HPG
- 2 minor nasagip sa online sexual exploitation ng ina
- 12K personnel ipinakalat sa Metro Manila para sa Araw ng Kalayaan – PNP
- PNP, NBI, CIDG pasok na imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo cager
- P86.7m inabandonang pulang sibuyas nasamsam sa MICP
- 45 na nasawi sa lindol sa Mindanao
- 2 DPWH opisyal sangkot sa maanomalyang flood control project, tukoy na kinaroroonan

