Sa ikinasang interdiction operation ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), kinumpiska ang isang parcel na naglalaman ng mahigit P8.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang warehouse ng cargo company noong Lunes ng tanghali sa Parañaque City.
Base sa report ng IADITG, isinagawa ng grupo ang kanilang operasyon dakong alas-11:00 ng tanghali sa DHL Express Philippines, Cargo Haus Bldg., Custom Bonded Warehouses, Parañaque City.
Ayon sa IADITG, ang inbound parcel ay idineklarang “Auto Gear Bearings” na ipinadala ng isang Elias Sengoba ng Mbuya, Uganda at naka-consign kay Jessica C. Natividad ng 58 Bucal, Sampaloc 2, Dasma, Cavite, 4126 Philippines.
Nang buksan ang nasabing parcel, natuklasang naglalaman ito ng dalawang aluminum gear bearing na ang bawat isa ay may tig-isang eco bag na pinaglagyan ng 604 gramo at 630 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P8,391,200.
Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng RA 9165 ang mga nasasangkot na indibidwal sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
Binubuo ang NAIA-IADITG ng mga operatiba ng PDEA RO-NCR, kabilang ang Bureau of Customs-Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF), PNP Aviation Security Group (AVSEG), Airport Police Department (APD), PNP Drug Enforcement Group (DEG), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immigration (BI).
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

