ARESTADO ang apat na suspek na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga at nasamsaman pa ang nasa P61 milyon shabu sa isinagawang joint anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Maritime Group sa Barangay Bacao 1 ng General Trias City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek sa kanilang alyas na sina “Asil”, 45-anyos; Almukrim, 28; “Alshamier”, 24; at “Darwhina”, 32-anyos.
Ayon sa nakarating na report nasamsam sa mga suspek ang 9,000 grams ng mga hinihinalang shabu na nagkalagay sa siyam na blue foiled packs at na nagkakahalaga ng P61,200,000, dalawang cellular phone, identification cards at isang kulay itim na van na ginamit umano sa transaksyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

