Tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Balagtas, Batangas City nitong Miyerkules ng gabi, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 24-anyos na suspek.

Ayon kay Batangas Police provincial director Col. Oliver Ebora, tinatayang nasa P6.8 milyon ang halaga ng nakumpiskang pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride, o shabu, ayon sa Dangerous Drugs Board.

Ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Utoy,” ay residente ng Barangay San Jose sa Dasmariñas City, Cavite. 

Ayon sa mga awtoridad, siya ay itinuturing na isang high-value target.

Ang pinaghihinalaang shabu ay naiulat na natagpuan sa loob ng isang plastic bag mula sa isang online shopping platform at nakabalot sa isang aluminum tea bag na may markang Tsino.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

=======

Share.