Nasabat ng Bureau of Customs (BOC)-Ninoy Aquino International Airport ang 14 na abandonado at nakumpiskang parcel na naglalaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P56.01 milyon sa isang warehouse sa Pasay City.
Ayon sa BOC, nagmula ang mga parcel sa iba’t ibang bansa sa Asya, Europa at Estados Unidos at natukoy sa pamamagitan ng X-ray screening matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe.
Kabilang sa mga nakuhang ipinagbabawal na substansya ang methamphetamine hydrochloride o shabu, high-grade marijuana o kush, 100 vape cartridges na may liquid marijuana, at opium poppy.
Nakatago ang mga ilegal na droga sa iba’t ibang produkto gaya ng water filters, speaker at sari-saring pagkain.
Nagbabala si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno sa mga indibidwal at sindikatong gumagamit ng international parcel at courier services sa pagpupuslit ng ilegal na droga at iba pang kontrabando sa bansa.
Isinuko na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasamsam na ebidensya para sa laboratory examination at karagdagang imbestigasyon.
Trending
- Kyline, inabswelto si Miguel
- Vincent, inirereto noon kay Kim Chiu
- Echo, nagpaka-fanboy kay Matt Damon
- Kings, tinapos ang Summer League sa panalo vs Hornets, 92-90
- LeBron James, ‘di pa rin nakakapili ng team na lilipatan
- UST astig sa Shakey’s Juniors volleyball semis
- Ryan Garcia, dedepensa vs Conor Benn sa Setyembre
- Friendship over na? Bela Padilla wala sa IG post ni Angelica Panganiban

