Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P5.43 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang checkpoint operation sa Barangay Duran, Parang, Maguindanao del Norte, Lunes ng madaling araw ng Abril 20.
Sa ulat, pinara ng mga pulis ang tatlong sasakyan—isang mini van, isang Elf truck, at isang SUV, na hinihinalang may kargang kontrabando.
Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang humigit-kumulang 6,500 reams ng smuggled cigarettes.
Arestado ang 12 indibidwal na sakay ng mga sasakyan, kabilang ang isang 14-anyos na menor de edad; at pawang mga residente ng Lanao del Sur at Tacurong City.
Bukod sa mga sigarilyo, narekober din ang isang kalibre .45 na baril mula sa mga suspek.
Mahaharap ang mga suspek sa karagdagang kaso sa ilalim ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Isinagawa ang imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng isang barangay opisyal bago dinala ang mga ito sa Parang Municipal Police Station para sa mas masusing imbestigasyon.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek kaugnay ng anti-smuggling law at illegal possession of firearm.
Inaasahan ding ililipat ang mga nasabat na kontrabando sa Bureau of Customs Sub-Port sa Parang para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy naman ang pinaigting na checkpoint operations sa rehiyon bilang bahagi ng kampanya laban sa smuggling at iba pang iligal na gawain.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

