Nakumpiskahan ang isang Malaysian citizen at lokal na kasabwat ng kalahating kilong shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng pulisya sa Sitangkai sa Tawi-Tawi nitong umaga ng Miyerkules, April 8.
Kinumpirma nitong Huwebes ng mga local government officials at mga traditional Sama at Tausug community leaders sa Sitangkai na tumulong sa pagpaplano ng naturang anti-narcotics operation na nasa kustodiya na ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang Malaysian shabu dealer na si Mohammad Bin Sabdani at ang kasamang Filipina, si Nashra Alih, nakatakda ng lilitisin sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang 45-anyos na si Sabdani ay taga Kampong sa Pangkalan Kunak area sa Sabah na sakop ng Malaysia na malapit lang sa ilang mga island municipalities sa Tawi-Tawi, isa sa limang mga probinsya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Si Alih ay residente ng Pukol sa Sitangkai island town sa Tawi-Tawi.
Sa ulat nitong Huwebes ni Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ang suspect na Malaysian at ang kanyang kasamang babae ng kanilang mga agents, pinamumunuan ng kanilang Tawi-Tawi provincial team leader na si Abraham Solon Kalim, na kanyang nabentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Suwang sa Sitangkai.
Nakumpiska mula sa banyagang suspect at kanyang kasabwat ang 500 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million sa naturang entrapment operation na naikasa sa tulong ng Sitangkai Municipal Police Station, ng Tawi-Tawi Provincial Police Office at ng iba pang mga units sa probinsya ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Trending
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
- Walang “military-backed People Power” pero PNP nakaalerto
- “Night Club King” at driver patay sa ambush sa QC
