Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 11 (PDEA RO11) ang drug den na pinatatakbo sa loob ng isang bar sa Sales Street, Barangay 27-C, Davao City nitong Sabado ng madaling-araw.
Ayon sa PDEA, nasakote sa buy-bust operation ang target na si alyas “DJ Kar”, 26-anyos at isang disc jockey, matapos umanong magbenta ng isang maliit na tape-sealed plastic sachet na naglalaman ng apat na hinihinalang ecstasy sa isang operatibang nagpanggap na buyer.
Naaresto rin sa operasyon ang maintainer at may-ari ng bar na si alyas “Edward”, gayundin ang mga empleyado nitong sina alyas “Ryan”, “Harvey”, at “Raul”, at mga bisitang sina alyas “Vince”, “Nathan”, “Agatha”, “Destin”, “Marl”, at “Kaito”.
Nasamsam sa operasyon ang 65 marijuana vape cartridges, dalawang 500-milliliter na bote na naglalaman ng hinihinalang diluted ecstasy, iba’t ibang drug paraphernalia, at marked buy-bust money. Tinatayang nasa P255,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.
Mahaharap ang mga naaresto sa kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon pa sa PDEA.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

