Maglalabas ang Government Service Insurance System (GSIS) ng higit ₱19 bilyon sa ilalim ng kanilang “Balik Ginhawa (Loan Moratorium Through Refund)” program na makikinabang ang tinatayang 1.37 milyong miyembro at pensioners na may active loan accounts.
Ayon sa GSIS, saklaw ng programa ang mga loan payments na ginawa mula Disyembre 2025 hanggang Pebrero 2026. Ang ibabalik na halaga ay depende sa aktuwal na nabayarang amortization ng bawat miyembro.
Sa ilalim ng programa, hindi isususpinde ang loan deductions. Sa halip, ire-refund ng GSIS ang hanggang tatlong buwang amortization sa isang beses na lump sum.
Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, mas mabilis at mas direktang tulong ito kumpara sa tradisyunal na moratorium.
“This is a more responsive approach than a traditional moratorium… giving our members immediate support,” ani Veloso.
Sinabi rin ng GSIS na tanging mga miyembro at pensioners na may aktwal na payments sa nasabing panahon lamang ang kwalipikado sa refund, habang hindi kabilang ang mga walang naitalang bayad sa loob ng covered period.
Layunin ng programa na makapagbigay ng agarang ginhawa sa mga miyembro sa gitna ng patuloy na hamon sa ekonomiya.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

