Nasamsam ang cocaine at shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P17 milyon sa isinagawang anti-drug operation sa Jolo, Sulu nitong Miyerkules, Hulyo 1.
Inaresto ng Jolo Municipal Police Station ang isang 28-anyos na hinihinalang drug pusher, na residente ng Barangay Tulay, Jolo, sa nasabing operasyon.
Narekober mula sa suspek ang tatlong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P15.9 milyon at 200 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P1.35 milyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial

