Aabot sa 77,250 na umano’y fully grown marijuana plants, na tinatayang may standard drug price na P15.45 milyon, ang nadiskubre at sinira ng pulisya, batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Setyembre 11.
Ayon sa PNP, ikinasa ang pagwasak sa mga nasabing halaman sa isinagawang eradication operations ng ahensya sa Tinglayan, Kalinga noong Huwebes, Setyembre 10.
Anang ahensya, tinatayang 18,000 na umano’y marijuana plants ang sinira sa Barangay Buscalan; 9,000 sa Barangay Loccong; habang 50,250 naman sa Barangay Bugnay.
Naisagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng PNP Drug Enforcement Group, Special Operations Unit of the Cordillera Administrative Region, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Provincial Mobile Force Company, at ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office in the Cordillera Administrative Region.
“Kapag may natutuklasan tayong ganitong mga taniman, we act on it and we act on it together. Hindi lang ito tungkol sa pagbunot ng mga halaman; mahalaga ring matukoy kung paano nakakarating ang mga ito sa illegal drug market and who may be behind the cultivation,” giit ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa kaniyang pahayag.
Samantala, sa kaugnay na ulat, higit 94 kilo naman ng umano’y marijuana kush ang natagpuang nakasilid sa walong abandonadong maleta kamakailan, na siyang itinurn-over ng Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa BOC, tinatayang aabot sa P141.895 milyon ang halaga ng nasabat na kontrabando.
Trending
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
- P15.45m marijuana plants winasak
- P17.65m ismagel yosi, nasabat sa Pangasinan
- Bahay ng BARMM parliament candidate niratrat, son-in-law sugatan
- 10-anyos pisak sa dump truck
- Kanlaon nagbuga ng abo; 200-meter plume naitala

