Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P13.3 milyong halaga ng hinihinalang marijuana kush mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Huwebes, Hunyo 4.
Ayon sa BOC-NAIA, na-detect sa x-ray scan ng check-in baggage ng isang Pilipinong pasahero mula sa Thailand ang kahina-hinalang laman, dahilan upang isailalim ito sa masusing inspeksyon.
Sa isinagawang pisikal na pagsusuri, natuklasan ang 21 medium-sized packs, 42 small packs, at dalawang medium-sized containers na naglalaman ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana kush.
Tinatayang aabot sa 8,910 gramo ang kabuuang bigat ng mga nasamsam, na nagkakahalaga ng P13,365,000.
Agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagsagawa ng K9 sniffing operation na nagpakita ng positibong indikasyon sa ilegal na droga.
Itinurn-over na ang mga nakumpiskang droga sa PDEA para sa laboratory examination, karagdagang pagsusuri, at case build-up.
Trending
- Aira Villegas at Albert Ian Delos Santos, flag bearer sa Asian Games
- Elena Rybakina, bagong World No. 1 sa women’s tennis
- Sofia Andres, binunutan ng walong ngipin, nabungal!
- Pops, unang nakatapak sa star ni Lea
- Bianca, ginawang debut ang 90th bday ng lola!
- 2 SUV winasak ng grupo ng Partisano
- Kaso vs Michelle Dee, Rhian Ramos at iba pa, ibinasura
- DSWD sinuportahan ang regulasyon sa online platform
