Arestado ang 36-anyos na lalaki na sangkot sa ilegal na “paihi” o paglilipat ng produktong petrolyo sa Lemery, Batangas noong Biyernes ng gabi, Mayo 1.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang operasyon 9:45 ng gabi sa Purok 3, Mataas na Bayan sa pangunguna ng CIDG Batangas Provincial Field Unit katuwang ang lokal na pulisya.
Nasamsam sa operasyon ang mga produktong petrolyo, isang tanker truck, at iba pang kagamitan na ginagamit sa ilegal na aktibidad na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P11 milyon.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa CIDG Batangas Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Pinuri naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at tiniyak na paiigtingin pa ang kampanya laban sa mga ilegal na gawain nakaaapekto sa kabuhayan at kaligtasan ng publiko.
====
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

