Obligado at walang ibang opsyon kundi magsagawa ng special election sa ika-apat na distrito ng Cavite, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec na batay sa dating Supreme Court ruling, dapat na maisagawa ang halalan ng hindi mas maaga sa 60 araw, ngunit hindi dapat lalagpas sa 90 araw mula nang mabakante ang posisyon.
Ito ay matapos mapatalsik sa pwesto bilang kongresista si dating Rep. Kiko Barzaga.
Batay aniya sa dating Supreme Court ruling, dapat na maisagawa ang halalan ng hindi mas maaga sa 60 araw, ngunit hindi dapat lalagpas sa 90 araw mula nang mabakante ang posisyon.
Nabatid na umaabot sa 437,730 ang rehistradong botante ang inaasahang lalahok sa isasagawang special election sa ikaapat na distrito ng Cavite.
Pero, aminado ang Comelec na kakailanganin din ng pondo para sa pagsasagawa ng naturang special elections dahil ang nakalaang pondo ngayon ay para lamang sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang elections sa Nobyembre 2.
Inaasahan naman na mapupunan at magkakaroon ng special election para sa nabakanteng pwesto ni Barzaga sa Agosto o bago ang BSKE.
====
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

